Umaapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa PhilHealth na huwag munang ipatupad ang inilabas nitong kautusan na nagsusupende sa pagbabayad sa mga hospital claim na iniimbestigahan pa.
Kaugnay nito ay nananawagan ang senador kay PhilHealth President Dante Gierran, Executive Secretary Salvador Medialdea at Secretary Calito Galvez Jr., na resolbahin agad ang isyu dahil may hinaranap tayong matinding krisis sa kalusugan.
Pinayuhan naman ni Go ang PhilHealth at mga ospital na may pending claims na ayusin agad ang mga dokumento para hindi na matagalan ang pagbayad at kasuhan ang mga mapatunayang may fraudulent o maanumalyang claims.
Sumasang-ayon si Go na hangarin ng PhilHealth na repormahin ang kanilang sistema para maproteksyunan ang pondo ng bayan laban sa mga namamantala.
Pero diin Go, dapat isaalang-alang din ang mga maaapektuhang ordinaryong mamamayan na walang matatakbuhan at nangangailangan ng tulong lalo na pagdating sa kalusugan.