Naniniwala ang Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) na ang inilabas na circular ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay pagtatakip lamang sa mga claims na hindi pa nito nababayaran sa mga ospital.
Sa ilalim ng circular, sinuspinde muna ng PhilHealth ang pagbabayad ng claims na kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon.
Giit ni PHAPi President Dr. Jose Rene De Grano, kung hindi magbabayad ang PhilHealth, mauubusan din ng pondo ang mga ospital.
Kung magkataon, pinakakawawa aniya rito ang mga pasyente at health workers.
Una nang ikinabahala ng Philippine Hospitals Association (PHA) ang inilabas na circular ng PhilHealth na anila’y ginagawa lamang rason para tuluyan silang hindi mabayaran.
Dahi dito, pinag-aaralan na ng ilang grupo ng mga ospital na kumalas sa PhilHealth.