Pagbabayad sa lahat ng gobyerno at pribadong sektor, nais gawing Digital ni Senator Sonny Angara

Nais gawing digital ni Senator Sonny Angara pagbabayad sa lahat ng gobyerno at pribadong sektor, sa lahat ng ahensiya at establisyemento sa lalong madaling panahon bilang bahagi ng new normal para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni Angara na sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Bill 1764 o ang Use of Digital Payments Act of 2020, mas mapapabilis ang paggamit ng digital payment sa financial transaction ng gobyerno at lahat ng merchants.

Iko-cover ng panukala ang lahat ng National Government Agencies (NGAs), Government-Owned and -Controlled Corporations (GOCCs), at Local Government Units (LGUs).


Kasabay nito, Inatasan naman ang lahat ng NGAs, GOCCs at LGUs na gumamit ng account-based disbursements para sa mga recipient na direktang tumatanggap ng bayad sa gobyerno sa pamamagitan ng kanilang bank o digital account.

Facebook Comments