Pagbabayad sa loan at amortization, pinalawig ng Pag-IBIG Fund

Pinalawig pa Pag-IBIG Fund ng hanggang anim na buwan ang pagbabayad sa loans, amortization at inalis ang penalties sa kanilanng miyembro na nakapaloob sa kanilang ‘Special Housing Loan Restructuring Program’.

Ayon kay Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairman ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees at Head ng Department Of Human Settlements and Urban Development, naiintindihan nila ang pangangailangan ng kanilang miyembro lalo na ngayong may pandemya.

Sa ilalim ng Loan Restructuring Program, bibigyan aniya ng option ang mga borrowers na bababaan ang kanilang monthly payments sa pamamagitan ng pagpapa-extend ng kanilang loan term, pagpapahaba sa unpaid dues o i-wave ang penalties na kanila pang balanse.


Maaari naman mag-apply ng Loan Restructuring Program ang mga borrowers online para sa mas ligtas at maginhawang transaksyon.

Paliwanag naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti, available ang programa hanggang sa December 15 ng kasalukuyang taon.

Tiniyak din nito na wala silang hihingiing down payment o kabayaran sa pagproseso ng mga aplikasyon.

Aniya, pagbabalik nila ito sa kanilang mga miyembrong walang patid sa pagbabayad ng kanilang monthly dues.

Facebook Comments