Pagbabayad sa night differential sa mga government employees, isinabatas na ni Pangulong Duterte

Ganap nang batas ang pagbibigay ng night shift differential pay sa mga kawani ng gobyerno.

Ito ay makaraang isabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang R.A 11701.

Sakop nito ang mga kawani ng gobyerno na umuukupa sa mga pwesto mula division chief pababa, kabilang na sa government owned and controlled corporations, sila man ay permanent, contractual, temporary o casual.


Batay sa batas, babayaran sila ng night shift differential sa halagang hindi lalagpas sa 20% ng basic pay rate nito kada oras na natukoy ng pinuno ng ahensiya.

Saklaw nito ang trabahong ipinasok ng empleyado sa pagitan ng alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan.

Hindi naman kasali rito ang mga empleyado ng gobyerno na ang schedule ng trabaho ay nasa alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Hindi naman sakop ang mga government employees na kinakailangan at on call bente kwatro oras, tulad ng uniformed personnel ng AFP, PNP, BJMP, BOF, at iba pang katulad na ahensya.

Facebook Comments