PAGBABAYAD SA TAMANG ORAS, PINAALALA SA MGA KONSYUMER NG TUBIG SA DAGUPAN CITY UPANG MAKAIWAS SA ABERYA SA SERBISYO

Pinaalalahanan ng PAMANA Water District Dagupan City ang mga konsyumer ng tubig sa lungsod na magbayad sa tamang oras upang makaiwas sa aberya sa serbisyo.

Ayon sa tanggapan, hindi na dapat hintayin pa ang due date bago bayaran ang water bill upang maiwasan ang posibleng pagkaputol ng linya ng tubig na mahalaga sa pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat kabahayan.

Sa panayam kay PAMANA Water District Service Customer Manager Carol Lynne Gadon, patuloy umano ang kanilang pagbibigay ng paalala sa mga konsyumer hinggil sa mga panuntunan at mga dapat tandaan upang hindi maputulan ng suplay ng tubig.

Bukod dito, tiniyak din ng tanggapan ang patuloy na pagmo-monitor sa kalidad ng tubig na dumadaloy sa bawat barangay na sakop ng kanilang serbisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments