Manila, Philippines – Papatawan narin ng Grab Philippines ng multa ang mga pasaherong nagkakansela ng booking.
Ayon kay Cindy Toh, Country Marketing Head ng Grab nais rin kasi nilang protektahan ang kapakanan ng kanilang mga driver partner.
Paliwanag ni Toh, bahagi ito ng 100 araw na plano ng Grab upang lalo pang mapagbuti ang kanilang serbisyo.
Sinabi pa ni Toh na kapag bigla kasing nagkansela ng booking ang isang pasahero lugi na agad ang kanilang driver partner sa gasolina lalo na ngayong mas mahal na ang presyo ng produktong petrolyo bunsod ng TRAIN Law.
Sa ngayon hindi pa masabi ni Toh kung magkano ang ipapataw nilang cancellation fee.
Facebook Comments