Pagbagal ng ekonomiya ng bansa ngayong taon, inaasahan na ng pamahalaan, Malacañang

Inaasahan na ng pamahalaan ang pagbulusok ng ekonomiya ngayong taon bunsod ng Coronavirus pandemic.

Base sa economic outlook ng Fitch Solutions sa bansa, tinatayang nasa -0.2% lamang ang full-year growth ngayong 2020.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpatupad ng lockdown at mahigpit na quarantine sa loob ng dalawang buwan kaya inaasahang babagal ang galaw ng ekonomiya.


Sinabi ni Roque, na muling makakabangon ang bansa dahil sa pagpapatuloy muli ng Build Build Build Infrastructure Program, pagpapatupad ng monetary policy at state spending.

Bago ito, tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi mauuwi ang bansa sa economic recession at muling sisigla ang ekonomiya pagkatapos ng quarantine.

Facebook Comments