Pagbagal ng inflation rate, bunga ng maayos na pamamahala at polisiya ng Marcos administration

Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagbagal ng inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa ikalimang sunod na buwan ngayong 2023.

Kumbinsido si Romualdez na bunga ito ng maayos na pamamahala at epektibong polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang mapigilan ang pagsirit ng pagtaas ng presyo.

Pahayag ito ni Romualdez kasunod ng naitalang 5.4% inflation rate nitong Hunyo mula sa 8.7% sa pagsisimula ng kasalukuyang taon.


Sa tingin ni Romualdez, nagpapakita rin ito na nakakamit na ang layunin ng 2023 National budget na mapalakas ang purchasing power ng mga Pilipino at naramdaman ito sa unang anim na buwan ng taon.

Naniniwala si Romualdez na nakatulong din sa pagbaba ng inflation rate ang mga hakbang ng Kamara para matukoy ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin tulad ng imbestigasyon sa smuggling ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural at pagkontrol sa suplay nito upang tumaas ang presyo.

Facebook Comments