
Naniniwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na bumagal at pumalo lang sa 1.4% ang inflation rate nitong Abril dahi sa mga repormang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Diin ni Romualdez, ang mga hakbang ng pamahalaan para maibaba ang presyo ng pagkain, partikular ng bigas ay tunay na may epekto sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino dahil mas napagkakasya na ang kanilang kita.
Ibinida ni Romualdez na bukod sa mas murang pagkain sa merkado ay binuksan ang mga oportunidad para sa negosyo at pamumuhunan na pumabor sa mga maliliit na negosyante at manggagawa.
Bunsod nito ay tiniyak ni Speaker Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara sa mga aksyon ni PBBM para mapanatiling mababa ang presyo ng pagkain at patuloy na lumago ang ekonomiya ng bansa.









