Pagbagal ng inflation rate nitong Disyembre, dapat na samantalahin – ayon kay House Speaker GMA

Manila, Philippines – Dapat na umanong ipatupad nang “mabilis at mabisa” ng gobyerno ang mga isinusulong nitong programa bunsod na rin ng pagbagal ng inflation nitong Disyembre.

Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Ito ay upang magkagawa ng resulta na mararamdaman ng taumbayan sa pang-araw-araw na buhay,

Una na rito nang ipagmalaki ng Malacañang na ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ay dahil sa mga inisyatibo ng administrasyon.


Malaki rin daw ang naging papel ng paggalaw sa presyo ng pagkain, inumin at transportasyon sa naturang resulta ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA),

Mas mababa ito mula sa 6.0 percent inflation noong NOBYEMBRE at 2.9 percent noong Disyembre 2017.

Facebook Comments