Saturday, January 24, 2026

PAGBAGAL NG INFLATION RATE SA PANGASINAN, NAGPAPATULOY

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region 1 ang patuloy na pagbagal ng inflation rate sa lalawigan ng Pangasinan mula Enero hanggang Abril 2025.
Sa Monthly Inflation Report ng PSA, naitala ang 2.6% inflation rate noong Enero. Bumaba ito sa 2.3% pagsapit ng Pebrero at nanatili sa parehong antas hanggang Marso. Sa Abril, lalong bumagal ang inflation rate na umabot sa 1.8%.
Sa kasalukuyan, nasa 2.3% ang kabuuang average inflation rate ng Pangasinan para sa taong 2025.
Kabilang sa mga pangunahing salik na nag-ambag sa mababang inflation rate nitong Abril ang pagbagal ng pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain at inuming hindi nakalalasing, pati na rin sa sektor ng pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuel, gayundin sa transportasyon.
Ang inflation rate ay tumutukoy sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang takdang panahon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments