Bumagal pa ang paga-upload ng mga impormasyon ng mga Pilipinong nakakumpleto na ng bakuna ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon kay Atty. Omar Sana ng DICT, malaking problema ng ahensiya ang mabagal na proseso ng Vaccine Information Management System (VIMS) upang magkaroon ng central database ang lahat ng mga Pilipinong fully vaccinated na.
Nagkakaroon din kasi aniya ng kabagalan sa pagtugon ang mga Local Government Units (DILG) na maipasa sa DICT ang pangalan ng mga residente nilang nakakumpleto na ng bakuna.
Matatandaang una nang tinawagang-pansin ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ang mga LGUs sa pag-iencode ng datos para sa beripikasyong gagawin ng DICT.
Mas mapapadali kasi ito para sa mga Pilipino dahil smartphone o printed copy ng QR code na lamang ang kailangan sa paglabas ng bahay.