Pinasisiyasat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang napaulat na bagsak presyo ng ilang produktong lokal na magsasaka lalo na’t kapag wholesale kahit tumataas ang presyo ng petrolyo at abono o pataba.
Sa House Resolution 2513, ipinasisilip sa He3ouse Committee of Agriculture and Food ang naturang isyu para makita ang epekto nito sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at konsyumer.
Binanggit sa resolusyon na ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine ang isa sa dahilan kung bakit lubhang tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na nakakaapekto rin sa ating bansa.
Sa kabila nito, mayroong mga magsasaka na napipilitang ibenta ng palugi ang kanilang produkto tulad ng sibuyas, repolyo at seleri.
Ito ay para lang maipagpatuloy ang kanilang pagtatanim ng kanilang produkto
May pagkakataon pa na sinasadyang mabulok ang kanilang ani para gawing fertilizer dahil mahal ang presyo ng pataba sa lupa.
Babala sa resolusyon na kapag hindi agad naaksyonan ang nasabing usapan malaki ang posibilidad na manganib ang food security ng bansa.