Pagbagsak ng ranking ng bansa sa pagbubukas ng negosyo, ikinabahala ng ilang kongresista

Manila, Philippines – Nagbabala si Leyte Rep. Henry Ong sa pagbagsak ng ranking ng Pilipinas sa huling tala ng Ease of Doing Business Report ng World Bank.

Sa kasalukuyan ay nasa 113th place mula sa 99th place ang Pilipinas sa mga bansang mahirap magbukas ng negosyo.

Sa mga kategorya tulad ng starting a business o pagsisimula ng negosyo, nasa 173rd place ang pilipinas, nasa 101st naman sa dealing with construction permit, 114th na pwesto sa registering property, nasa 105th place sa paying taxes at 149th na pwesto naman sa enforcing contracts.


Nagpapakita lamang aniya ito kung gaano ka-negatibo ang epekto sa bansa ng talamak pa ring bureaucratic red tape.

Sinabi ng kongresista na dapat makalampag sa ulat na ito ang mga local at national agencies para paikliin ang proseso ng pagbubukas ng negosyo sa bansa.

Umaasa din si Ong na bibilisan din ng kongreso ang pagpapatibay ng panukalang magpapaikli ng panahon sa pag-iisyu ng mga permit at iba pang dokumentong kailangan sa pagnenegosyo.

Facebook Comments