Manila, Philippines – Nabasag na ang pagiging popular ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang paniniwala ng MAKABAYAN sa Kamara matapos bumaba sa +48 ang satisfaction ratings ni Duterte mula sa +66 noong Hunyo.
Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, ipinakita lamang ng bagong resulta ng survey na hindi untouchable ang Presidente.
Aniya, nagigising na ang publiko sa mga pangakong napako at ng hindi magandang epekto ng patayan sawar on drugs gayundin ang hagupit ng economic policies na dagdag pahirap sa mamamayan.
Para naman kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, kung patuloy ang ganitong pamamalakad ng Pangulo, wala aniya itong pupuntahan kundi lalo pang bababa.
Facebook Comments