Manila, Philippines – Abangan pa sa mga susunod na buwan ang pagbagsak pa ng ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ni Kabataan Representative Sarah Elago kasunod ng bahagyang pagbaba sa approval at trust ratings ni Pangulong Duterte sa Pulse Asia survey.
Ayon kay Elago, inaasahan pa niya ang paglagapak sa ratings ng Presidente dahil sa sunud-sunod na kahirapan at krisis na nararanasan ng publiko.
Tinukoy ng progresibong mambabatas ang pagtigil ng operasyon ng LRT-2 at ang hindi maresolbang problema sa malalang trapiko.
Bukod dito, nasiwalat din ang korapsyon at katiwalian sa GCTA, ninja cops at iba pang isyu ng korapsyon na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.
Ang ratings ngayon ni Pangulong Duterte ay maituturing na pasang awa dahil patuloy na nakakaranas ng kahirapan at mataas na presyo ng mga bilihin ang mga Pilipino.