PAGBAHA SA BACNOTAN, LA UNION, DAHIL UMANO SA NASIRANG BUSSAOIT DAM

Isang dahilan ang pagkasira ng impounding sa Bussaoit Dam sa Bacnotan, La Union kaya binaha muli ang ilang barangay ngayong nararanasan pa rin ang epekto ng bagyo.
Paliwanag ng Bacnotan MDRRMO sa nararanasang pagbaha sa kasalukuyan, sinasalo rin umano ng Baroro River ang tubig na nagmumula sa bahagi ng San Gabriel at Benguet kaya kahit hindi umano malakas ang ulan sa La Union ay mataas ang lebel ng tubig sa ilog.
Ang nabanggit naman na Bussaoit Dam ay nasira ng Bagyong Emong na isa sana sa tutulong sumalo ng tubig para sa irigasyon.
Simula noong Lunes, binaha na ang mga bahagi ng Brgy. Baroro, Poblacion, Nagsimbaanan, Nagsaraboan, Raois, Zaragosa at tatlo pang barangay dahilan kaya hindi na madaanan ang kakalsadahan.
Bukod dito, patuloy umanong nagmumungkahi ng flood control drainage system ang tanggapan sa national government dahil hindi umano kakayanin ng pondo sa lokalidad ang pagpapatupad ng malaking proyekto.
Hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga residente na lumikas na o makipag-ugnayan sa awtoridad kapag nangangailangan ng tulong sa anumang emergency. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments