Patuloy na nararanasan sa Dagupan City ang pagbaha partikular sa mga low lying areas at ilang main roads o kakalsadahan sa lungsod.
Bagamat bumalik na sa normal status ang Sinucalan River na siyang nagdudulot ng pagbaha ay hindi pa rin lubos na humupa ang tubig baha sa lungsod.
Passable naman ang mga main roads bagamat aminadong pahirapan pa rin ang mga driver ng mga light vehicles tulad ng mga tricycle at motor sa byahe at pagmamaneho.
Suspendidio naman ang klase ngayong araw mula sa Preschool hanggang Senior High School dahil may pasok na ang mga nasa kolehiyo.
Samantala, hanggang ngayon ay nakararanas pa rin ng pag-ulan ang lalawigan kahit ang binabantayan ng Bagyong Ineng sa PAR ay walang direktang epekto sa bansa bagamat dala nito ay habagat.|ifmnews
Facebook Comments