PAGBAHA SA ILANG BAHAGI NG TURAYONG, PINAGHAHANDAAN

CAUAYAN CITY- Matinding preparasyon ang isinasagawa ng mga opisyal ng Brgy. Turayong para sa mararanasang pagbaha sa lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain John Reyes, kabilang sa paghahandang isinasagawa nila ay ang pagsasaayos sa kanilang mga drainage canal upang mabilis na humupa ang tubig at hindi magkaroon ng pagbaha.

Aniya, naunang ayusin ang mga drainage canal sa mga bahaging madalas nakakaranas ng pag-apaw ng tubig.


Bukod dito, inihahanda na rin ang evacuation center na gagamitin ng mga residenteng apektado ng baha upang may pansamantalang matutuluyan at masiguro ang kanilang kaligtasan.

Samantala, nakahanda naman ang pamunuan ng Turayong na aksyunan ang mga suliranin sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments