
Baha pa rin sa ilang lugar sa Metro Manila partikular na sa Malabon.
Ito’y kahit pa nakalayo na ang mga bagyo at nararanasang habagat.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), partikular na binabaha pa rin ang: Rizal ave extension, Bayan malapit sa Malabon City Hall : (6 inches ).
Gayundin sa Don Basilio Bautista, Brgy. Hulong Duhat : (4 inches ), C. Arellano Brgy. Concepcion : (6 inches) at F. Sevilla Blvd. Tañong (Bayan) : (6 inches ).
Samantala, passable naman na ito sa lahat ng uri ng sasakyan.
Facebook Comments









