Pagbaha sa mga highly urbanized cities na daraanan ng Bagyong Tino, ibinabala ng PAGASA

Pinaghahanda ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang ating mga kababayan na nasa highly urbanized cities dahil sa banta ng Bagyong Tino.

Sinabi ni PAGASA Senior Hydrologist Oyie Pagulayan na marami kasing highly urbanized na siyudad ang daraanan ng bagyo.

Aniya, posibleng maranasan dito ang mga pagbaha dulot ng malakas na bagyo kaya’t kailangang maghanda ang mga residente, lalo na ang mga nasa mabababang lugar.

Samantala, sa pagtatanong ng DZXL-RMN Manila, sinabi naman ni Engineer Juanito D. Galang, PAGASA Chief, Weather Division, na bagama’t malaki ang posibilidad na hindi magtaas ng Tropical Cyclone Warning Signal, makakaapekto pa rin ang bagyo sa Metro Manila.

Aniya, asahan ang mga pag-ulan sa Metro Manila sa mga susunod na oras.

Facebook Comments