Pagbahang nararanasan sa Metro Manila, bunsod ng kakaunting puno sa rehiyon ayon sa MMDA

Iniuugnay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbahang nararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila sa kumokonting puno na pumapalibot sa rehiyon.

Sinabi ito ni MMDA task force on special operations head Bong Nebrija kasunod ng patuloy na pag-arangkada ng cleaning drive at draining declogging activities taon-taon ngunit hindi pa rin mawala-wala ang baha sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Nebrija, bibihira na lamang ang puno sa NCR na magsisipsip sana ng tubig-ulan kaya naiipon na lamang ito sa mga mabababang lugar.


Batay sa datos ng Forest Management Bureau ng DENR, nasa 2,820 ektarya sa Metro Manila ang napapalibutan ng puno o kagubatan as of 2010.

Lumalabas naman sa datos ng environment news platform na Mongabay, nawala ang 2.8% na 3,000 forest cover ng rehiyon sa pagitan ng 2001 at 2020.

Mababatid na binaha ang maraming bahagi ng rehiyon sa nakalipas na dalawang araw bunsod ng pag-ulan na dala ng Habagat.

Facebook Comments