Mag-uusap pa sina Senate President Chiz Escudero at incoming Education Secretary Senator Sonny Angara tungkol sa magiging plano at mababakante nitong posisyon sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Escudero, may option si Angara na magbitiw sa Senado pagkatapos na mag-take effect ang appointment nito sa July 19 upang sa gayon ay maging isang ad interim appointment na ang senador.
Dagdag ni Escudero na magiging 23 na lamang silang senador at wala na itong masyadong magiging epekto dahil nasa huling taon na si Angara at isang taon na lamang mababakante ang posisyon ng ika-24 na senador.
Samantala, hindi pa batid ni Angara kung bago o pagkatapos na ng kumpirmasyon ng Commission on Appointments siya magbibitiw sa Senado kaya sinusuri pa niya kung kailan ang tamang panahon para siya ay mag-resign.
Inaasahan ni Angara na sa July 19 ay mag-a-assume o pormal na siyang uupo sa DepEd dahil hindi naman aniya papayag si Pangulong Bongbong Marcos Jr., na mabakante ang posisyon ng kalihim ng ahensya.