Tuloy tuloy na ang Oplan Baklas na ginagawa ng Quezon City Police District at mga election officers ng QC COMELEC sa mga election paraphernalias na nakasabit sa mga hindi tamang lugar sa lungsod quezon.
Ang pagtatanggal ng mga election materials ay alinsunod sa COMELEC Resolution No. 104488.
Simula alas kuwatro ng madaling araw kanina ng suyurin ng mga tauhan ng La Loma police station kasama si QC COMELEC Acting District 1 Election Officer Jovilmar Igne ang kahabaan ng
Mayon Street (mula Retiro hanggang Welcome Rotonda) ng Brgy. NS Amoranto, Brgy. Lourdes, Brgy. San Isidro Labrador, Brgy. Salvacion at Brgy. Sta. Teresita, Quezon City
Lahat ng mga election paraphernalia na isinabit sa hindi tamang lugar ay pinagbabaklas ng mga otoridad
Ganito din ang ginawa ng QCPD Kamuning Police Station kasama si Atty. Ma. Anne Gonzales, Q.C. Election Officer ng District IV kung saan sinuyod din kagabi ang Brgys. Pinyahan at Central at tinanggal ang mga Illegally Posted at isinabit na mga Election Materials.
Lahat ng police stations ay naatasan na magsagawa ng ganitong operasyon kasama ang mga Election Officers ng Comelec sa lahat ng Distrito sa Lungsod.
Tiniyak ng QCPD na magpapatuloy ito bago ang takdang araw ng halalan sa Mayo.