PAGBAKLAS NG MGA GAMBLING BILLBOARD IPINAG-UTOS NG PAGCOR

Ipinag-utos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang agarang
pagbaklas ng lahat ng billboard at iba pang out-of-home gambling advertisement bilang
bahagi ng kampanya para higpitan ang mga anunsyo at promosyon na may kinalaman
sa sugal.

Sa isang memorandum na inilabas noong Hulyo 7, inatasan ng ahensya ang lahat ng
licensees, suppliers, system administrators, at gaming venue operators na tanggalin
ang mga advertising materials, kabilang na ang mga naka-display sa mga tren, bus,
jeep, at taxi.

Nilinaw ng PAGCOR na tanging mga institutional o responsible gaming campaigns na
aprubado ng ahensya ang papayagan mula ngayon.

“We have given all our licensees and stakeholders until August 15 to completely remove
all gambling-related ads,” ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco.
“Prior to that, stakeholders must also submit an inventory of their existing billboard and
wallscape advertisements by July 16,” dagdag niya.

Ang inventory, ayon kay G. Tengco, ay dapat maglaman ng sukat, uri ng materyales,
lokasyon, petsa ng expiration ng kontrata sa renta, at ang kaukulang permit number
mula sa Ad Standards Council (ASC).

Paliwanag pa ng PAGCOR chief, bahagi ito ng layunin ng ahensya na maisulong ang
mas ligtas at mas responsableng gaming environment sa bansa.
“While PAGCOR is mandated to regulate the gaming industry and generate revenues
for nation-building, we do not want to encourage a culture of gambling addiction,” aniya.
“Regulating excessive and pervasive gambling advertisements is a critical step in
protecting vulnerable sectors of society, especially the youth,” dagdag ni G. Tengco.
Binalaan din ng PAGCOR na mananagot sa batas ang mga operator na maglalagay ng
panibagong gambling promotion kapalit ng mga tinanggal na ads.

Facebook Comments