Inaprubahan na ng European Medicines Agency (EMA) ang pagbabakuna ng Moderna COVID-19 vaccine sa mga kabataang 12 hanggang 17 taong gulang.
Ayon sa European Medicines Agency (EMA), ang desisyon ay base sa resulta ng pag-aaral sa 3,732 na kalahok kung saan may pagitan na apat na linggo ang una at pangalawang dose.
Paliwanag ng EMA, ang Spikevax o Moderna ay may pareho ring side effect sa mga naturukan na edad 18 pataas.
Samantala, formal approval na lamang ang hinihintay mula sa European Committee upang maisagawa ang pagbabakuna ng Spikevax sa nasabing age group sa Europa matapos ang rekomendasyon ng EMA.
Facebook Comments