Pagbakuna sa Aso, Pinaka-Importanteng Pangontra sa Rabies!

Cauayan City, Isabela – “Pagpapabakuna sa aso ang pinaka importanteng pagkontrol sa Rabies”. Ito ang inihayag ni Dr. Angelo Nawi ng Provincial Veterinary Office sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo.

Ayon kay Dr. Nawi, ang rabies ay nakahahawa sa tao na sanhi ng mikrobyo o Virus na karaniwang natatagpuan sa mga worm blooded na hayop gaya ng pusa at kadalasan ay mga aso.

Nahahawa lamang umano ng rabies ang isang tao kung ito ay kinagat ng asong may rabies o di kaya’y paghimod nito sa sugat ng isang tao.


Malalaman din kung positibo sa rabies ang isang aso kung makakaranas ito ng mga sintomas pagkatapos ng dalawang linggong pagkagat sa tao gaya ng pananamlay, pagkakaroon ng lagnat, hindi makainom, takot sa liwanag, nahihirapang huminga at mababaliw hanggang sa mamatay na ang aso.

Kadalasan din umano sa mga biktima ng rabies ay ang mga may ari din ng mga aso kaya’t kanyang hinikayat ang bawat pet owners na bantayan at alagaan ang kanilang mga alagang aso.

Kinumpirma rin ni Dr. Nawi na Hindi lahat ng aso ay may sakit na rabies at hindi rin umano totoo na mas malakas ang rabies ng mas batang aso o tuta kaysa sa matandang aso.

Aniya, Pinipilit umano nilang kontrolin ang rabies sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga aso kada taon o tinatawag na massive vaccination mula sa apat hanggang limang buwan sa tulong ng gobernador at Department of Agriculture kung saan pinapasok umano nila ang lahat ng mga barangay na nasasakupan ng Isabela.

Facebook Comments