Pagbakuna sa mga buntis, hindi muna inirerekomenda sa bansa

Hindi muna inirerekomenda sa bansa ang pagbabakuna kontra COVID-19 para sa mga buntis.

Ayon kay Dr. Sybil Lizanne Bravo ng Philippine Infectious Diseases Society for Obstetrics and Gynecology, ang maaari lamang na mabakunahang mga buntis ay mga frontliners o ang mga at risk o may karamdaman.

Maging ang mga ina na nagpapabreastfeed ay hindi rin muna inirerekomenda na magpabakuna kontra COVID, maliban na lamang kung sila ay nasa hanay rin ng high risk sa COVID.


Gayunman, nilinaw ni Dr. Bravo na kailangan pa ring magpakonsulta muna sa kanilang mga doktor.

Una nang inihayag ng World Health Organization (WHO) na bagamat itinuturing na high risk sa severe COVID-19 ang mga buntis, hindi pa anila inirerekomenda ng WHO ang pagbabakuna sa mga nagdadalantao.

Facebook Comments