Pagbakuna sa mga kabataan sa Quezon City na may comorbidities, sisimulan na bukas

Sisimulan na ng Quezon City government ang vaccination sa mga kabataan edad 12 hanggang 17 taong gulang na may comorbidities.

Para sa mga nakapagrehistro na sa QC Vax Easy Plus, maaari na silang mag-book ng schedule bukas simula alas-6:00 ng umaga.

Ayon sa lokal na pamahalaan, kabilang sa bubuksang vaccination sites ang Quezon City General Hospital at St. Luke’s Medical Center mula bukas hanggang sa susunod na Huwebes.


Paliwanag ng QC government, kailangan lamang dalhin ng mga magpapabakuna ang medical certificate na pirmado ng doktor, birth certificate at valid IDs ng magulang at anak na magpapatunay ng kanilang relasyon.

Facebook Comments