Naniniwala ang ilang eksperto na kailangang pabilisin ang Code of Conduct sa West Philippine Sea.
Ayon kay China analyst na si Dr. Aaron Jed Rabena – layunin ng Regional Code of Conduct na maiwasan ang tensyon sa territorial claims sa karagatan.
Nilinaw naman ng political at security analyst na si Prof. Rommel Banlaoi – malaki ang security implication nito lalo na sa seguridad ng mga mangingisda.
Pangamba niya, baka dumami pa ang kaso ng unintended collision.
Pinag-aaralan din ang pagkakaroon ng independent investigation sa Recto Bank.
Facebook Comments