Pagbalewala ng China sa international law, nakapanlulumo – Lorenzana

99

Nakapanlulumo para kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang pagsuway ng China sa international law.

Ito ang pahayag ng kalihim kasabay ng kanyang paggiit sa Beijing na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef na nasa West Philippines Sea (WPS).

Iginiit ni Lorenzana na walang matibay at legal na basehan ang “nine-dash” line claim ng China dahil hindi ibinasura na ito ng arbitral tribunal.


Muling nanawagan ang kalihim sa China na ihinto ang ilegal na aktibidad nito sa West Philippines Sea at igalang ang soberenya ng bansa.

Matatandaang nanindigan ang Chinese Embassy sa Pilipinas na ang Julian Felipe Reef ay bahagi ng Nansha Islands ng China at traditional fishing grounds ng Chinese fishermen.

Facebook Comments