Pagbaligtad ni Bikoy hindi na ikinagulat, mga taga oposisyon kinakarma ayon kay Senator Elect Bong Go

808

Hindi na ikinagulat ni Senator Elect Bong Go ang pagbaligtad ni Jomel Advincula alias bikoy sa kanyang mga unang naging pahayag kung saan ngayon ay itinuturo ito ang oposisyon na nasa likod ng mga kumalat na ang totoong narcolist videos.

 

Kanina kasi ay itinuro ni bikoy ang otso diretso at at ang iba pang personalidad na siyang utak ng mga viral video na nagsasabi na sangkot sa iligal na droga ang mga Duterte at ang mga opisyal ng pamahalaan na malapit dito kabilang na si Go.


 

Ayon kay Go, ginawa din ng mga kalaban ng administrasyon ang pagkakalat ng black propaganda noong 2016 elections at ngayong nagdaang halalan at nag backfire aniya ang mga ito sa mga taga oposisyon dahil natalo sila ng 2016 at ngayon ay nilampaso aniya ang Otso Diretso ng taumbayan.

 

Bumanat pa si Go at sinabi na kung sino pa ang nagsasabi na sila ay disente ay sila pa ang naninira sa kapwa nila tao na hindi aniya niya gagawin dahil ang tanging hangarin niya ay makapagserbisyo sa mga Pilipino.

 

Masakit aniya ang mga ginawa sa kanya ni Bikoy pero pinapatawad na niya ito bilang isang kristiyano pero bilang Pilipino ay ipinauubaya nalang niya ito sa mga otoridad.

 

Nanawagan naman si Go sa mga otoridad na igalang ang karapatan ni Bikoy at dapat lumabas ang buong katotohanan sa inilabas na akusasyon nito.




Facebook Comments