Pagbaligtad ni Velasco sa term sharing, ikinadismaya ni Cayetano

Manila, Philippines – Dismayado si Taguig Representative Alan Peter Cayetano sa pagbasura ni Marinduque Representative Lord Alan Velasco sa ideya ng term-sharing para sa house speakership.

Si Cayetano ay isa sa mga kumakandidato sa pagka-speaker ng Kamara.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cayetano na may kasunduan sila ni Marinduque Representative Lord Alan Velasco noong Lunes ukol dito.


Aniya, tila bumabaligtad si Velasco sa kanilang napagkasunduan kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin pa ni Cayetano na isang win-win solution ang paghahati sa termino para maresolba ang isyu sa pagitan ng mga kandidato at ng mga kongresista.

Dagdag pa ni Cayetano, inirekumenda ni Pangulong Duterte ang term-sharing kaya handa siyang sumunod dito.

Facebook Comments