Manila, Philippines – Kahit sino ay makakalusot sa anumang kaso, kahit pa pagpatay basta’t malapit lang sa matataas na opisyal ng pamahalaan.
Diin ni Sen. Bam Aquino, ito ang senyales na hatid ng pagbalik ni Supt. Marvin Marcos at mga tauhan niya sa serbisyo.
Para kay Senator Bam, ipinapakita nito na kapag gumawa ka ng mali, as long as okay ka sa taas, ay ibabalik ka sa puwesto.
Ayon kay Sen. Bam, nakakagulat ang ginawang pag-downgrade ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Reynante Orceo sa kaso laban kay Marcos at kanyang mga tauhan at mas nakakagulat na naibalik pa ang mga ito sa serbisyo.
Sa pagdinig ng senate Committee on Public Order and Illegal Drugs ay pinanindigan ng NAtional bureau of investigation, at ng DOJ panel of prosecutors, na pinangunahan ni Sr. Asst. State Prosecutor Lilian Doris Alejo, ang kanilang report na pinagplanuhan ang pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa at dapat sampahan ng kasong murder ang mga miyembro ng PNP na nasa likod nito.