Pagbalik ng full face-to-face plenary sessions, isinulong sa Kamara

Hinimok ng Makabayan Bloc ang Mababang Kapulungan na magbalik na sa full face-to-face plenary sessions alang-alang sa right to information ng publiko gayundin sa transparency at accountability bilang isang government institution.

Nakapaloob ito sa House Resolution number 859 na inihain nina Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party-list Rep Arlene Brosas, Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel.

Nakasaad sa resolusyon na February 2022 pa lamang ay iniutos na ng Inter-Agency Task Force ang pagbabalik ng 100% on-site workforce para sa mga tanggapan ng pamahalaan bukod sa bumababa na rin ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.


Bukod dito ay balik eskwela na rin ang mga mag-aaral alinsunod sa utos ng Department of Education at Commission on Higher Education noong June at August 2022.

Sa ngayon ay patuloy na umiiral sa Kamara ang Rule XII na ipinatupad noong 18th Congress kung saan pinahihintulutan ang virtual o electronic na pagdalo sa sesyon.

Punto ni Castro, hindi ba’t nakakahiya sa mga estudyante at manggagawa na araw-araw ng pumapasok habang ang ilang mga mambabatas ay dumadalo pa rin sa pamamagitan ng hybrid session.

Facebook Comments