Naantala ang pagbalik ng 182 na Badjao sa kanilang mga lalawigan matapos makaranas ng technical problem ang sasakyan nilang barko.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), pansamantala muna nilang ipinagamit ang parking area ng PMO NCR North para maging pansamantalang tahanan ng mga Badjao na pauwi na sana matapos ang Pasko at Bagong taon sa Maynila.
Sinabi rin ni Post Management Office (PMO) NCR North Port Manager Aurora Mendoza, taun-taon ay inaasahan na nila ang pag-uwi ng mga Badjao matapos ang holiday season at habang nasa loob sila ng pantalan ay inaasikaso ang kanilang seguridad at kaligtasan.
Nakapagbigay na aniya ang 2GO ng foodpack sa mga Badjao habang nagbigay naman ang PPA ng tubig, at ipinagamit na rin ang palikuran at ang charging station para sa mga Badjao ang nag-aantay ng barko.
Nabatid rin may nadagdag pang 206 na Badjao sa North Harbor.
Inaasahan naman na babiyahe na ang mga ito sa Lunes pabalik sa kanilang mga lalawigan.