Pagbalik ng nasibak na executive director ng CHED, hindi iaapela ng Malacañang

Manila, Philippines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacañang ang desisyon ng Court of Appeals na nagbabalik sa posisyon kay Commission on Higher Education Executive Director Julito Vitriolo.

Matatandaan na una nang tinanggal ng Office of the Ombudsman si Vitriolo at isa pang Executive Director ng CHED dahil sa sinasabing kabiguan ng mga to na imbestigahan ang tinatawag na “Diploma Mill” sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi na aapela at iginagalang ng Office of the President at CHED ang naging desisyon ng appellate court sa nasabing isyu.


Nabatid naman na sinabi ni Vitriolo na hindi na kailangan pang mabigay ng anomang kautusan mula sa Office of the President para sa kanyang posisyon dahil otomatiko siyang babalik sa puwesto base sa desisyon ng korte.

Pagbalik ni Vitriolo sa CHED ay papalitan naman nito ang bagong talaga na si Karol Mark Yee.

Facebook Comments