Pagbalik sa 35% ang taripa sa imported rice, isinulong ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III

Isinulong ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III na maibalik sa 35% mula sa kasalukuyang 15% ang taripa na ipinapataw sa inaangkat na bigas para mapigilan ang pagdagsa ng imported rice sa bansa.

Ayon kay Dy, nakapaloob ito sa panukalang Rice Industry and Consumer Empowerment Act o Rice Act na prayoridad na pagtibayin ng Kamara.

Inihayag ito ni Dy sa pagdinig ng Committee on Agriculture and Food at Committee on Ways and Means ukol sa estado ng implementasyon ng Executive Order number 93.

Sang-ayon naman si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maitaas sa 35% ang taripa sa imported na bigas at sabi niya pinag-aaralan na ng mga economic managers ang magiging implikasyon nito.

Sa pagdinig ay inihayag din ni Laurel na palalawigin hanggang sa katapusan ng taong 2025 ang ban sa pag-angkat ng bigas.

Facebook Comments