Pagbalik sa bansa at pagpapaliwanag ni Rep. Zaldy Co, makakatulong para kahit paaano ay mapahupa ang galit ng taumbayan

Kaisa si Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila De Lima sa mga gumigiit na dapat bumalik na sa Pilipinas si Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na siyang chairman ng House Committee on Appropriations sa ilalim ng 19th Congress.

Naniniwala si De Lima, na ang pag-uwi sa bansa, pagpapaliwanag at pagharap sa imbestigasyon ni Co ay makakatulong para kahit papaano ay mapahupa ang galit ng taumbayan.

Ayon kay De Lima, ito ay dahil lumalabas na parang si Co ang nasa gitna ng mga kontrobersyal insertions sa pambansang budget at iregularidad sa flood control control projects.

Ipinunto ni De Lima na palaging nababanggit ang pangalan ni Co kaya dapat nitong sagutin ng direkta ang mga kinakaharap na alegasyon.

Facebook Comments