Pagbalik sa P10  minimum fare, mulung iginiit ng isang transport group

Muli na namang  humirit ang Alliance of Concerned Transport Organizations na ibalik sa P10 ang minimum fare sa mga pampsaherong jeepney sa Metro Manila

Ayon kay ACTO President Efren De Luna dapat lang daw na gawin ito ng Land Transporttion Franchising and Regulatory Board na siya namang ipinangako noon kapag may pagtaas uli sa presto ng krudo.

Aniya, muli na namang tumaas ang krudo ng .80 sentimos sa kada litro ngayon. Mula sa P44.43 nasa P45.23 na ang presyo ng krudo  dagdag pa ang excise tax at evat na halos abot n sa P48.23 Ang kada litro.


Nobyembre noong nakalipas na taon ng aprobahan ng LTFRB ang kanilang petisyon na itaas ang P9 pesos na minimum fare sa P 10 piso.

Pero agad namang binawi ito at ibinalik sa P10 makraan ang sunod sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Sabi pa ni De luna nangako ang ltfrb na kapag tumaas uli  at umabot sa P45  ang presyo ng langis ay agaran daw ibalik ang P10 minimum na pasahe sa unang 4 na kilometro.

Facebook Comments