Hindi babalik sa Manila para makipag-usap sa gobyerno sina National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief peace negotiator Fidel Agcaoili at senior adviser to the negotiating panel Luis Jalandoni.
Ito ang pahayag ng founding chairperson ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria Sison.
Ayon kay Sison – masyadong minamaliit ng Pangulo ang integridad, matagal na karanasan at intelihensya ng mga rebolusyonaryo.
Aniya, ilalagay lamang nila sa patibong sina Agcaoili at Jalandoni.
Iginiit ni Sison – huwag umasa ang Pangulo na magkakaroon pagbisita ang mga opisyal ng NDFP sa Manila maliban na lamang kung tanggalin ng Pangulo ang ilang ipinatupad nitong hakbang.
Kabilang ang pagsasara ng peace negotiations at pagdedeklara sa New People’s Army (NPA) bilang terorista.
Dagdag pa niya, kailangan ding pagtibayin ang ‘The Hague Joint Declaration’, at iba pang naunang kasunduan.