Kinondena ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes ang ginawang pagbandera ng 3rd Special Forces Battalion sa labi ni Jevilyn Cullamat, ang napatay na anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat.
Ayon kay Reyes, bagama’t may kasalanan sa batas ang isang tao, hindi dapat binababoy ang mga labi ng nasawi dahil maituturing itong krimen.
Umalma naman ang Makabayan at agad hiniling ang pagtanggal ng naturang mga larawan sa lahat ng websites ng gobyerno at panagutin ang mga responsable sa pagpapakalat ng mga ito.
Samantala, Ipinagtanggol ni Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ginawang pagkuha ng larawan ng mga sundalo sa labi ni Cullamat
Giit ni Lorenzana, normal lang ito sa mga militar dahil simula pa nung una ay pinapakita na ang mga labi ng nasawi, Abu Sayyaf, MNLF o MILF man.
Matatandaang si Jevilyn ay matagal nang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nasawi kahapon matapos na makaengkwentro ng grupo ang mga miyembro ng Philippine Army sa Surigao Del Sur.