Idudulog ng Pilipinas sa International Maritime Organization (IMO) ng United Nations (UN) ang nangyaring “hit and run” incident na kinasangkutan ng Chinese vessel at barkong pangisda ng Pilipinas sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Ito ang utos ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. sa Philippine Embassy sa London kung saan nakabase ang IMO.
Bukod pa ito sa inihaing diplomatic protest laban sa China.
Kasabay nito, nagpalabas ng opisyal ng tugon si Locsin sa bersyon ng China na walang nangyaring “hit and run” matapos mabangga ng Chinese vessel ang Philippine fishing boat Gemvir 1 noong June 9 kung saan nanganib ang buhay ng nasa 22 mangingisdang Pilipino.
Ayon kay Locsin – malaya ang mundo at malaya ang China na magsalita ng gusto nitong sabihin.
Pero nilinaw ng kalihim na ang pagpapahayag ng Pilipinas ay umaayon sa law of the sea.