Kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan ang pagbangga at pagkalubog sa isang Filipino fishing vessel ng isang barkong Tsino.
Ang pag-abandona umano sa mga Pilipinong mangingisda sa karagatan at pag hit-and-run ay nararapat na maging mas matindi ang pagkondena dito.
Dapat lang aniya na ipagtanggol ng Phil Government ang nangyaring insedente.
Anila malakas ang loob ng Chinese vessels dahil sa hindi paggiit ng gobyerno ng Pilipinas sa legal victory sa West Philippine Sea.
Patuloy silang naniniwala na kontrolado nila ang karagatan at kaya nilang gawin anuman ang kanilang naisin.
Para sa Grupong Bayan, hindi ito katanggap-tanggap at hindi sila papayag na lilipas na lang ang insedente ng walang ginawang malakas na diplomatic protest.
Facebook Comments