Pagbangon ng ekonomiya ng bansa, magtuloy-tuloy; mga repormang nasimulan, ipapamana sa susunod na administrasyon

Tiniyak ng economic team ng pamahalaan na hindi magiging isyu ang panahon ng eleksyon sa patuloy na pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Sa economic briefing, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na ang susunod na administrasyon ay magmamana ng pinaghirapang reporma ng Duterte administration.

Madadatnan aniya ng mga susunod na lider ng bansa ang mga pundasyong naka-posisyon na para sa mabilis na pagsulong ng ekonomiya.


Ipapasa rin aniya ng economic team ng pamahalaan ang komprehensibong fiscal consolidation plan upang makabalik ang ekonomiya ng bansa sa growth trajectory nito.

Ayon sa kalihim, kailangang magtulungan ang lahat sa pagsu-sulong ng isang ekonomiya na kayang mabigay ng mga buwis na siya namang mapaghu-hugutan ng pamahalaan ng pondo para sa pangangailangan ng mga Pilipino.

Facebook Comments