Pagbangon ng Marawi, inaasahang hindi matutulad sa mabagal na rehabilitasyon ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Francis Chiz Escudero na magkaroon ng malawakan at komprehensibong plano kaugnay sa pag-develop o pag-rehabilitate sa Marawi City.

Ang pahayag ni Escudero ay makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang liberation o paglaya ng marawi mula sa kamay ng teroristang grupong Maute.

Ayon kay Escudero, dapat matiyak na hindi matutulad ang pagbangon ng Marawi City sa mabagal na rehabiltasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda noong November 2013.


Hanggang ngayon kasi aniya ay marami pa ring isyu ukol sa rehabilitasyon sa mga lugar na tinamaan ng super typhoon Yolanda, tulad ng kwestyon sa pondo para dito, kawalan ng maayos na urban planning at nabuking na paggamit ng substandard materials sa ilang housing projects.

Facebook Comments