Patuloy na pinalalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Sual ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pamamahagi ng inorganic fertilizers para sa technology demonstration project ng mga magsasaka upang suportahan ang mas mataas na produksyon ng palay.
Kabuuang 700 bags ng Urea at 200 bags ng Muriate of Potash ang naipaabot sa 103 benepisyaryong magsasaka, na makatutulong sa pagpapataas ng ani at pagpapabuti ng kanilang operasyon sa sakahan.
Nakikipag-ugnayan din ang LGU sa iba’t ibang kooperatiba upang mapalawak pa ang suportang naihahatid sa mga magsasaka at matiyak ang tuloy-tuloy na kaunlaran ng lokal na agrikultura.
Ang programa ay ipinatupad ng Department of Agriculture katuwang ang Municipal Agriculture Office ng Sual, bilang bahagi ng patuloy na pagtutok sa seguridad sa pagkain sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









