Pagbangon ng turismo, mas mapapabilis sa pamamagitan ng pagbubukas ng dive sites- DOT

Nakikita ng Department of Tourism (DOT) na ang pagbubukas ng diving acitivites ay mas mapapabilis ang pagrekober ng industriya ng turismo mula sa pandemya.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang Pilipinas ay isang archipelago at sentro ng ‘coral triangle,’ at tahanan ng iba’t ibang marine at aquatic resources.

Mahalaga aniyang maipagmalaki ang mga diving destinations.


Nakikita ni Puyat na ang dive tourism ang isa sa key areas para sa positive industry growth.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay kasalukuyang mayroong 300 dive sites at ilan sa mga ito ay kinikilala ng UNESCO’s World Heritage Site.

Kabilang na rito ang Tubbataha Reef natural Park sa Palawan, Apo Reef Natural Park sa Occidental Mindoro, Malapascua Island sa Cebu, Anilao dive sites sa Batangas at Verde Island Passage sa Puerto Galera.

Nitong nakaraang taon, nanalo ang Pilipinas bilang World’s Leading Dive Destination sa 27th World Travel Awards.

Facebook Comments