Inalmahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagbansag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang pinakamalalang business class airport sa buong mundo.
Sa talumpati ni Tugade sa Duterte Legacy Summit kahapon, sinabi ng kalihim na hindi dapat paniwalaan ang pag-aaral na ito ng bounce isang global storage luggage app.
Ayon kay Tugade, walang basehan ang ginawang pag-aaral ng bounce at hindi alam kung saan hinugot ang konklusyon nito.
Bilang halimbawa, pinaliwanag ng kalihim na noong 2016 ang ontime performance ng NAIA ay nasa 40% lamang pero nitong 2019 ay umakyat na ito sa 83%.
Ang NAIA rin aniya ay destination airport kung saan karamihan ng mga pasahero ay gumagamit ng economy class sa halip na business class at hindi ito isang hub airport.
Matatandaang sa pag-aaral ng bounce ang Pilipinas ang may pinakamababang puntos pagdating sa usapin ng operasyon ng business class at sa on-time performance ng airport.